100% Free Tuition Fee at Tesda for Online Course Program


Photo: Canva

Batid natin ang hirap ng sitwasyon sa panahon ngayon dahil sa COVID 19. Hindi hadlang ang nangyayari sa atin ngayon sapagkat pwede po tayo makapag-aral sa tulong ng napakagandang programa ng TESDA. Ito ay pwedeng makapag-aral online at libre ang pag-aral sa TESDA. Sa online class walang pinipili na mag-aral, matanda man o bata pa as long as nakakasunod sa mga gawain at alituntunin. Ang puhunan lang natin sa pagsali ng pag-aral sa TESDA ay dapat meron tayong wifi connection, desktop/laptop or smart phone para magamit sa mga pagsagawa ng lesson at mga module. Ang mga sangkap na ito ay galing sa TESDA at ibibigay para matuto tayo sa bawat lesson. Marami tayong matutunan basta lamang matiyaga at tulungan natin ang bawat isa para makasunod sa mga ipagawa. Ito ay maaring may magsusulit at actual na isagawa. Kaya dapat tandaan natin lahat ang itinuturo at proseso sa pagsagawa. "These short courses are mostly in skilled learning."

Sa kabila nito, maaari tayong makapag-aral nang libre sa pamamagitan ng handog online courses ng Technical Education & Skills Development Authority (TESDA). Ito ay magandang balita sa ating lahat. Kaya't huwag sayangin ang oras at gamitin ito sa wastong paraan. Tayo ay makasali at makapag-enrol ng lahat ng gusto natin basta lang kaya ng katawan at oras. Ang kagandahan nito ay pagkatapos ng mga gawain at assessment, tayo ay makatatanggap ng NC2 certificate bilang patunay na nagtapos sa short course na kinuha natin. At itong sertipikasyon ay pwede nating magamit panlaban sa paghanap ng trabaho. At hindi tayo mahihirapan sa paghanap gawa ng my hawak tayong ebidensya na nagtapos ng kurso at dagdag points sa aplikasyon. 

Mga kursong pwede natin ienrol sa TESDA: Housekeeping, Bookkeeping, Caregiving, Food & Beverage, Tourism, Massage Therapy, Cooking NCII, Microsoft Online, Beauty Care at marami pang iba. Pwede tayo magkaroon ng certificate at magamit natin sa pag-apply ng trabaho local man o abroad.
-  Housekeeping - ituturo at magbigay ng handbooks para masundan ang pagsagawa sa housekeeping. 
- Bookkeeping - ito ay matuto tayo sa pagsagawa
- Food and beverage - ituro ang mga iba't ibang proseso
- Massage therapy - matutunan ang iba' ibang techniques
- Microsoft Office - matutunan ang microsoft word, excel, powerpoint, data base
- Beauty care - matutunan din ang manicure, pedicure at iba pa
- Baking, cooking at marami pang iba
Maari nating matapos lahat ang mga ito at magkacertificate kung tayo ay matiyaga lamang. Dahil lahat ng mga ito ay makuha online at sa madaliang at maikling panahon lamang at pwedeng pagsabay sabayin sa abot ng makakaya.

For more details: visit Tesda website: www.e-tesda.gov.ph.

14/Post a Comment/Comments

Post a Comment

Previous Post Next Post