Beef Mechado: Paboritong Ulam at Pulutan ng mga Pinoy

Kabilang sa mga malasang ulam na ginamitan ng tomato sauce, ang beef mechado ay isa sa paboritong ulam at pulutan ng mga Pilipino. Ang pagkakaroon nito ng maraming sangkap ang nagbibigay ng linamnam sa mechado. Gaya ng ilang pagkaing Pinoy, may mga taong gumagamit din ng ibang karne bukod sa baka, gaya ng baboy at manok.

Photo: Pixabay
Mga Sangkap:

1 kilong karneng baka, hiniwa
1/8 kilong taba ng baboy, hiniwa nang pahaba
5 patatas, hinati sa apat at maaari ring prituhin muna bago ihalo sa mechado
1 carrot, hiniwa
2 tasang beef stock o 2 beef cubes na tinunaw sa tubig
4 sibuyas, hiniwa sa apat na bahagi
2 red bell pepper, hiniwa
¼ tasang suka
2 tasang tomato sauce o kalahating tasang tomato paste
1 tasang toyo
Asin at paminta bilang pampalasa

Paraan ng pagluluto:

Hiwain ang beef chunks at singitan ng isang strip ng karne ng baboy, parang gagawa ng mitsa. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang karneng baka na may baboy, toyo, tomato sauce, beef stock at bay leaves. Pakuluin at i-simmer hanggang sa maging halos malambot na ang karne. Ihalo ang suka at hayaan muling kumulo sa loob ng dalawang minuto.

Idagdag ang patatas, carrots, sibuyas at bell pepper. Muling pakuluin hanggang sa lumambot ang mga gulay. Haluin paminsan-minsan para lumapot ang sarsa. Hanguin at ihain kasama ang kanin.


Mga dagdag na tips sa pagluluto ng mechado, ayon sa filipinofoodrecipes.net: paggamit ng pressure cooker para mas mapadali ang pagpapalambot ng karne at pagprito ng patatas bago ihalo at pakuluan kasama ng karne at ibang sangkap.

1/Post a Comment/Comments

  1. How to Make Money Playing Casinos Online
    When it comes to online gambling, it's better to make a A หาเงินออนไลน์ few casino sites have a better idea of what a good and a bad casino is.

    ReplyDelete

Post a Comment

Previous Post Next Post