ABOT ANG PANGARAP SA PROGRAMA NG TESDA

PHOTO: CANVA
(PHOTO: CANVA)


Go with the trend to study online. Andito ang TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) na nagbibigay ng magandang prebelihiyo ng bawat Filipino kaagabay ang gobyerno. Makapag-aral tayo ng mga "short courses" hanggang abot nating makakaya. Ang mga short courses na ito ay makakakuha tayo ng Certificate of Completion pagkatapos ng mga assessment at activities sa bawat kurso.

Yan na ang uso ngayon lalo na sa panahon ng pandemiya. Samantalahin natin at gamitin ng wasto ang oras. Napakaganda ang offer ng Tesda at prebelihiyo natin bawat Filipino. Walang pinipili ninuman matanda man o bata pa as long as nakasusunod sa aktibidad at alituntunin.  At nagagawa din natin lalo na sa panahon ngayon na "stay at home or work from home". So, marami tayong mga extra na oras at pwede natin paglaanan ng pansin. At ang mga kurso na pwedeng kunin sa Tesda ay magagamit natin pandagdag sa hanapbuhay o pangkabuhayan. Basta may tiyaga lamang at madiskarte sa buhay.

Abot kamay ang ating mga pangarap dahil sa programa ng Tesda na nagaganap sa online. Ito ay mga short courses or pangmadaliang kurso na may makukuhang sertipikasyon na pwedeng gamiting pagpasok sa trabaho sa Pilipinas man o sa abroad. Nagagamit natin ito panlaban sa mga kasamahan na applicant at may puntos din sa pag-apply ng trabaho. At nagagamit din ng iba ng pansariling hanapbuhay gaya ng massage therapy, cooking, baking, driving at iba pa. Pwede natin pagkakitaan at pwede tayo magpatayo ng sariling bakery, restaurant at iba pa.

Pagkatapos lahat ng mga requirements at aktibidad sa kurso ay mabibigyan ng certificate of completion. Ang kagandahan nito ay pwedeng pagsabay sabayin basta sa abot kaya lamang ng oras at kaalaman. Dahil ito ay mayroon ding practical at assessment test para maipasa ang kurso. Ito ay walang age limit. Basta kaya ang pag-aralan at aktibidad go lang ng go dahil ito ay libre lamang.

Kailangan lang natin paghandaan na dapat may smart phone, tab, computer o laptop at dapat may wifi. Kasi ito ay pwedeng gawin sa bahay o kahit saan basta my connection lamang. At dapat tayo ay interesado sa paggawa ng mga bagay bagay. 

Napakagandang programa ng Tesda na ito. At kung tayo ay matiyaga lamang ay makakahanap din tayo ng magandang trabaho. Swetehan lamang dito man sa Pilipinas or sa abroad. Maraming natutulungan at umaasenso dahil sa libreng tuition fee at wala din extra na gastos kasi di na kailanganing mamasahe. Ito ay pwedeng gawing sa extra time sa bahay o kahit man nasa trabaho ka. Gamitin natin sa wasto ang extra time para di masayang at para sa magandang kinabukasan natin.

Naabot natin ang ating mga pangarap sa pamamagitan ng ating pagtityaga at pagsumikap sa buhay. At tayo ay dapat madiskarte din.

Maga listahan ng mga kursong online sa Tesda na pwedeng ienrol.

1. Microsoft online

2. Housekeeping 

3. Bookkeeping

4. Caregiving

5. Automotive

6. Tourism

7. Massage Therapy

8. Cooking NCII

9. Food and Beverages

10. Beauty Care

11. Baking

12. Food Processing

Please try to visit Tesda website: www.e-tesda.gov.ph. para sa mga karagdagang inpormasyon at proseso sa pag-enrol at study online.



1/Post a Comment/Comments

Post a Comment

Previous Post Next Post