"PALITAW RECIPE"

 

Ang palitaw ay nagagawa ng pangmadalian pero masarap at nakakabusog. Ito ay masustansya at di mabigat sa bulsa. Ito ay gawa ng giniling na malagkit o "glutinous rice powder". Ang halo nito sa tubig at giniling ay 2:1 means 2 tasa/cups ng giniling at 1 tasa/cup ng tubig. Nababatid o nalalaman na luto na kung ito ay pumaibabaw o lumitaw na sa tubig kung kayat ito ay binansagan na "palitaw". Nagugustuhan ng lahat dahil sa lambot nyang pagkagawa at kaaya ayang kainin.


Mga Sangkap:

- 2 tasa/cup na giniling malagkit/glutinous rice flour

- 1 tasa/tubig

- sugar

- 1 pc. whole coconut (grated)

- sesame seeds (optional)

- 2 tbps cooking oil/butter


Proseso sa Pagluto:

1. Paghaluin ang giniling na malagkit/glutinous rice flour at tubig. Pagkatapos ay gumawa o iporma ng hugis oblong or dila at ito'y gawing di masyado manipis at tingnan kung tama lang ang lambot nito para buo pa rin kung ipaltaw sa tubig.

2. Lagyan sa lutuan ng 2 to 3 tasang tubig at 2 tbps na cooking oil or small amount ng butter at pakuluin nito. Ang paglagay ng mantika or butter ay upang di magdidikit ang lulutuin.

3. Pagkumulo na ang tubig ilagay ang mga nagawa na malagkit isa isa sa lutuan. Hwag masyado marami para maluto ng husto.

4. Nababatid na luto na kapag ito ay pumaibabaw na o lumitaw na sa tubig.

5. Tanggalin ang naluto sa tubig at ilagay sa isang lagayan para matuyo o mawala ung tubig at init para pwedeng ihalo sa nagadgad na niyog o "grated coconut" isa isa.

6. Kung may sesame seeds iluto hanggang maging light brown ang kulay at ihalo sa asukal.

7. Ilagay sa lagayan at saka lang ihalo kapag kainin na para d magtubig o basa gawa ng asukal.

8. Tikman na ang masarap na palitaw. Pwedeng ihain sa 4 to 6 na katao.

Enjoy eating "palitaw" with hot coffee or tea at malamig na softdrinks.




1/Post a Comment/Comments

Post a Comment

Previous Post Next Post