OVERSEAS FILIPINO WORKER "RISE PROGRAM" SA TESDA


Magandang balita para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa programa ng Tesda lalong lalo na sa mga balik bayan or umuwi ng Pilipinas gawa ng repatriation o nawalan ng trabaho.

Ito ay may libreng training sa online para sa dagdag kaalaman tungkol sa entrepreneur. Matutunan dito ang iba't ibang pagkakitaan, o para makapundar ng sariling negosyo. 

Maraming mga skills ang matutunan at magagamit sa pagbuo ng pangkabuhayan. Pagkatapos ng training ay magbigay sila ng certificate para sa paghanap ng bagong trabaho.

Sa panahon ngayon, lalo na sa pandemic time, marami ang matulungan nitong programa lalong lalo na sa mga natanggal o nawalan ng trabaho sa libreng training. at bukod doon ito ay nagagamit natin sa paghanap ng trabaho at sariling pangkabuhayan sa Pilipinas.

Ang OFW rise program ay tinatawag na OFW re-integration through skills and entrepreneurship. Ito ay libre at online training exclusive sa mga OFW sa balikbayan. Mga OFW na pinauwi o nawalan ng trabaho ay previlege nila na magkatrabaho at mabigyan ng pagkakitaan pag-uwi. Lahat ay matutunan kung paano magkaroon ng sariling pagkakitaan at mapadali ang paggawa ng iba't ibang pagkakitaan.

Privilege na mabigyan ng pagkaabalahan at magkatrabaho ang mga umuuwi galing sa ibang bansa para mabigyan din ng hanapbuhay nila.

Malaking tulong ang programa na ito OFW -"Rise Program", para sa may gusto ng umuwi galing sa ibang bansa. Napakabisa ang programang ito lalong lalo na sa mga nawalan ng trabaho na napauwi at pamilyado na may pinapaaral din. Sa mga may gustong umuwi na at gustong makapagtrabaho ng maayos sa Pilipinas, magtraining lang sa TESDA at maraming matutunan.

Madali lang ang mag-avail nito, magregister online sa e-tesda website, www.e-tesda.gov.ph at sundin ang instruction kung paano. 

Masasabi natin na lahat ay benefited dahil ito ay libreng programa ng tesda kaakibat ang gobyerno. Depende lamang sa availability nyo at willingness to join and learn. Check your time at mag allocate para sa dagdag kaalaman at nakakatulong sa pang-araw araw na pangkabuhayan.


 

1/Post a Comment/Comments

  1. Hello.. Sir/Madame...send details po para sa online training and anu pong mga training ang available.. Salamat po..

    ReplyDelete

Post a Comment

Previous Post Next Post