Bread and Pastry Production at Tesda, Libre ang Mag-aral

Photo: Canva


Ang Tesda o Technical Education and Skills Development Authority ay pasukan ng mga magagaling na di kaya pumasok sa mamahaling paaralan. Nagsagawa ng Tesda kasama ang gabay ng gobyerno sa programang libreng pag-aaral para matulungan ang lahat ng may gusto at interesado kahit nasa bahay lamang. Ito ay mga kursong pangmadalian lamang at natuto ng pisikal ng pagsagawa ng mga bagay-bagay. Ito ay tinatawag natin na bokasyunal o short courses. Nauso na ngayon ang pag-aaral sa online, gamit ang wifi/internet connection at mobile phones. Sa Tesda may mga magandang oportunidad sa mga online courses at kabilang dito ang Breand and Pastry Production at Tesda. Ito ay libre ang pagkuha ng kurso at pwede rin magkaroon ng NCII o National Certificate pagkatapos ng kurso at maipasa ang lahat ng mga proyekto at assessment.

Maganda ito dahil matutunan ang iba't ibang paggawa ng tinapay at pastries. Ibibigay lahat ng modules para sundan sa online. Ang kagandahan sa pagkuha ng online ay makapagsagawa at masanay sa anumang oras. Mabisa din ito dahil hawak ang sariling oras. Ituturo nila lahat ng sunod sunod hanggang tayo ay maging experto. Wala pa din pagkakaiba sa online o pisikal na pagturo dahil pwede kaharap ang magturo sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na magagamit. Sa pagsusumikap, ang buhay ay maiaahon kahit magsimula sa simpleng bagay na pagkakitaan lamang.

Maraming programa ang Tesda na nakakatulong sa pangkabuhayan ng mga tao at para sa kinabukasan ng bawat isa. Napapakinabangan ng lahat sapagkat ito ay libre lamang. Makakamit natin ang ating simpleng pangarap dulot ng mabisang pag-aaral at pagsunod sa magandang programa ng Tesda. Ang kagandahan ng nakukuha sa Tesda ay pagkatapos mag-aral ay pwedeng kumita ng pangkabuhayan. Masanay ng husto at kumpleto sa pamamagitan ng pagbigay ng mga module at pagsagawa ng aktwal. Sa pagsusumikap, unti unting mapadami ang ating production at makapagsagawa ng maraming variety at pwede din natin mapasarap ang gawa. Sa pagsasanay at paggawa araw-araw ay mapadali din natin ang production. Sa palagay ko, kapag magsimula ka sa negosyo na ganito, ito ay uusbong dahil isa ito sa pangunahing pangangailangan ng bawat isa dahil ito ay pagkain. Ito ay maaring umusbong kung madiskarte at mapasarap ang paggawa. At ang sikreto ng paggawa ng pagkain ay dapat gawin ng may pagmamahal at masaya.

Maliban sa bread and pastry production, marami pang ibang kurso na pwedeng kunin sa Tesda online courses na libre. Pwedeng sundan sa page ng Tesda para makita ang lahat ng kurso. Ito ang Tesda website, https://www.e-tesda.gov.ph



13/Post a Comment/Comments

Post a Comment

Previous Post Next Post