Nag-iisip ka ba
kung ano iluluto mo na mura at masarap? Sigurado magugustuhan ng mga pamilya at
kaibigan mo. Eto ay minsanan ko lang natikman at inalam ko kung paano lutuin
sa madaling paraan.
1 whole chicken (katamtaman ang laki)
1 can coca cola
1 can sprite / 7
up
2 pcs chicken
cubes
Black pepper
Salt
Proseso ng pagluluto:
Linisan ang
buong manok ng asin sa loob at labas para matanggal ang lansa at buhusan ng
tubig hanggang sa mawala o clear ang tubig. Patuyuin ang manok tpos ihalo sa
katawan ng buong manok ang paminta at chicken cubes. Isalang ang manok at
ilagay ang isang lata ng coca cola at sprite / 7 up at takpan. Pakuluin sa
medium fire at pagkakulo saka mo liitan ng fire or low fire na at iwas bukas ng
bukas ng takip. One or two times mo lang buksan para mabasa or maihalo mo din
ang syrup sa taas ng manok para hindi tuyo tingnan. Maaring maluto ito ng 2 to
2 ½ hours hanggang magcaramelized ang sabaw.
Happy cooking!
Post a Comment