Family day....paano natin maipadama at magawa ang family day sa ating kapamilya?
Kanya-kanyang opinyon ang lumalabas at pagkaintindi ng bawat tao kung ano ang "family day". Nababatid natin na ang lahat ng opinyon ay dapat respetuhin. Depende sa pagkaintindi at pagkaunawa kung ano ang ibig sabihin o ipahiwatig ng opinyon. May umaayon at may sumalungat depende sa pagbigay nila ng rason sa bawat opinyon.
Para sa karamihan, pag-aksaya lamang ng oras at pera ang pagcelebrate ng mga ganitong okasyon. Pero sa kabilang dako naman ang mga okasyon ay di naman kailanganing magarbo at gagastos ka. Ito ay pwede rin sa pamamagitan ng pagsasama sama at gagawa ng ibat ibang aktibidad.
Pero lingid sa ating kaalaman, ang pagkakaroon ng family day ay isa sa pinakamabisang paraan upang mas mapatibay ang relasyon at samahan ng bawat isa sa pamilya. Ang buhay ay hindi natin hawak kaya habang may oras ating samantalahin ang pagmamagandang loob ng bawat isa. Di natin alam na sa bawat sandali ng pagsasama ay napakahalaga dahil di natin hawak ang ating buhay. At habang lumalaki ang ating mga anak sila at may kanya kanya ding pangarap at minimithi din sa buhay na sya ang dahilan kung bakit mapalayo sila sa atin.
Ang family day ay parang holiday na isinasagawa ng isang pamilya sa loob ng bawat isang linggo na paglaanan din natin ng oras. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang bawat miyembro ng pamilya na mapagbonding at maipadama ang pagmamahalan ng bawat isa. Masasabi din natin na di lang paglabas at pamamasyal ang tinatawag na family day. Pwede rin ganapin sa loob ng bahay at bigyan oras ang bawat isa. Pwede ding ganapin nito ng simple lamang. Maraming paraan ang pagsasalo-salo ng family day.
Mga paraan para mabigyan pansin at mapasaya ang okasyong ito:
1. Pumili ng isang araw para sa inyong pamilya sa loob ng isang linggo. It ay ideal na araw ang Sabado o Linggo dahil ito ang mga araw na walang pasok.
2. Mag-almusal kasama ang iyong pamilya. Umpisahan ang family day ng napakagandang gising ng umaga sabayan ng simpleng salo-salo ng umagahan.
3. Mag-isip ng mga fun activities. Hindi man kailangang ang pera para lalabas sa mall, park o sa pasyalan upang magcelebrateng family day o may bonding ang pamilya. Pwede ding gawin kahit nasa bahay lamang gaya ng paglalaro, pagtatanim, pagluluto o iba pang gawaing bahay o panonood ng movie sa telebisyon.
4. Ito rin ay nasasabi na family bonding sa pagshare ng bawat damdamin o ideas ng bawat isa. Basta't sama-sama at kapit kamay ang bawat isa ay napakahalaga.
5. At may maganda ding samahan ang bawat isa sa pagsalo ng bawat isa sa hirap at ginhawa. It ang tinatawag na walang iwanan . Dahil sa hirap man o ginhawa, kapamilya pa rin ang kaagabay sa buhay. Kaya sa bawat tatak na oras ng bakante mo dapat ang isipin ay kung paano mo mapasaya at maipakita ang kahalagahan ng bawat kasapi ng kapamilya.
6. Magsimba kasama ang buong pamilya. Ang pagsasama ng bawat kasapi sa pagdalo ng mga aktibidad ay simula at simpleng family day celebration. Atlis may oras ang bawat isa na pagsasama.
Dahil ang sabi nga nila ay "FAMILY IS LOVE".
Post a Comment