‘Family Day,’ Maikokonsiderang “Bonding Tradition” Ng Matatag Na Pamilya

Ano nga ba ang nagbibigkis sa isang pamilya?

Photo: pixabay


Para sa marami, hindi malinaw ang konsepto ng “family day” dahil hindi naman lahat ay gumagawa nito. Para sa karamihan, pag-aaksaya lamang ito ng oras at pera. Pero lingid sa inyong kaalaman, ang pagkakaroon pala ng family day ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang mas lalo pang mapagtibay ang relasyon ng inyong pamilya.


Ang family day ay parang “family holiday” na isinasagawa ng isang pamilya sa loob ng isang linggo. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng pagkakataon ang bawat miyembro ng pamilya na makipag-bonding sa isa’t isa nang walang inaalalang ano mang trabaho o commitment sa school.


Ano ba ang mga dapat mong gawin para magawa ito?


1. Pumili ng isang araw para sa inyong family day. Ideal ang Sabado o

Linggo dahil ito ang mga araw na walang pasok.


2. Mag-almusal kasama ang iyong pamilya. Umpisahan ang iyong family

day sa pamamagitan ng isang salu-salo sa umaga.


3. Mag-isip ng mga fun activities. Hindi mo kailangang magkaroon ng

maraming pera para mamasyal sa mall tuwing family day. Marami kayong

pwedeng gawin bilang pamilya kahit nasa bahay lang, gaya ng paglalaro,

pagtatanim, pagbe-bake o panonood ng movie.

1/Post a Comment/Comments

  1. The 메리트카지노 group safeguards players' rights and aims to take care of up} high standards within the trade. The MGA is a pillar of fairness and transparency for players and operators alike. Play roulette for fun and hone your strategy with our free roulette games. Practise in style variants like American and European roulette now.

    ReplyDelete

Post a Comment

Previous Post Next Post