Kabilang sa mga malasang ulam na ginamitan
ng tomato sauce, ang beef mechado ay isa sa paboritong ulam at pulutan ng mga
Pilipino. Ang pagkakaroon nito ng maraming sangkap ang nagbibigay ng linamnam sa
mechado. Gaya ng ilang pagkaing Pinoy, may mga taong gumagamit din ng ibang
karne bukod sa baka, gaya ng baboy at manok.
![]() |
Photo: pixabay |
Mga Sangkap: 1 kilong karneng baka, hiniwa 1/8 kilong taba ng baboy, hiniwa nang pahaba 5 patatas, hinati sa apat at maaari ring prituhin muna bago ihalo sa mechado 1 carrot, hiniwa 2 tasang beef stock o 2 beef cubes na tinunaw sa tubig 4 sibuyas, hiniwa sa apat na bahagi2 red bell pepper, hiniwa ¼ tasang suka 2 tasang tomato sauce o kalahating tasang tomato paste 1 tasang toyo asin at paminta bilang pampalasa
Paraan ng pagluluto: Hiwain ang beef chunks at singitan ng isang strip ng karne ng baboy, parang gagawa ng mitsa. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang karneng baka na may baboy, toyo, tomato sauce, beef stock at bay leaves. Pakuluin at i-simmer hanggang sa maging halos malambot na ang karne. Ihalo ang suka at hayaan muling kumulo sa loob ng dalawang minuto. Idagdag ang patatas, carrots, sibuyas at bell pepper. Muling pakuluin hanggang sa lumambot ang mga gulay. Haluin paminsan-minsan para lumapot ang sarsa. Hanguin at ihain kasama ang kanin. Mga dagdag na tips sa pagluluto ng mechado, ayon sa filipinofoodrecipes.net: paggamit ng pressure cooker para mas mapadali ang pagpapalambot ng karne at pagprito ng patatas bago ihalo at pakuluan kasama ng karne at ibang sangkap.
Post a Comment