Pagkain Nang Salu-Salo, Mahalaga Para Sa Bonding Ng Pamilya

Ang pamilyang nagsasalu-salo ay nagsasama nang matagal.
Photo: Pixabay





Marahil ay narining mo na ang mga katagang iyan. Sa katunayan, makikita mo rin sa mga patalastas ang kahalagahan ng pagkain ng sama-sama ng iang pamilya. Sa sobrang busy kasi ng nanay at tatay sa pagta-trabaho, kadalasan ay kanya-kanya na lamang ng pagkain ang bawat isa. Ngunit ayon sa pag-aaral, malaki pala ang benepisyong naidudulot ang pagkain ng sama-sama sa pagiging matatag ng pamilya. Ito ang ilan sa kanila:


Mas nagkakaroon ng ‘meaningful conversation’ ang pamilya tuwing nagsasalu-salo. Wala nang mas maigi pang panahon para alamin kung ano ang nangyayari sa buhay ng bawat isa kundi sa harap ng hapag. Ito din ang panahon kung kailan malayang nakakapag-usap ang pamilya ng mga nakakatawa at nakakatuwang bagay.


Mas mababa ang posibiliidad ng pagbibisyo. Ayon sa pag-aaral, higit na mas mababa ang posibilidad ng mga kabataang lumaking nagsasalu-salo kasama ang pamilya na malulong sa bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-iinom at maging ang paggamit ng bawal na gamot.

Ang pagkain ng salo-salo ang susi sa magandang pagsasama. Bukod pa rito, nakatutulong din ang pagsasalo ng mag-anak sa hapag para maiwasan ang mga maling impluwensya dulot ng maling barkada sa mga kabataan.


0/Post a Comment/Comments

Previous Post Next Post