Techniques/Tips para sa Matibay na Pagsasama ng Kapartner o Karelasyon


 Ito ay mahalagang malaman ang mga techniques o tips lalo na kung may kasama o partner ka na sa buhay. Ang pag-aaway ay normal lamang sa bawat relasyon. Ito ay di lingid sa lahat. Minsan ay walng kibuan, may selosan, may paimportante at madalas mapunta sa awayan.


Ang mga sumusunod ay ilang sekreto para mapatatag at maiwasan ang awayan magkaroon ng produktibong samahan ng bawat isa.

1. Manatiling may tiwala sa isa't isa
    Dapat lagi may tiwala sa isa't isa at iwasan ang pagdududa ng bawat isa para manatiling matibay ang relasyon. Maging matapat at gawa ng kapanipaniwala para laging matiwala ang kapartner.
Ito ay mahalaga sa bawat relasyon ang tiwala.

2. Marunong magpakumbaba
    Huwag mapagmataas ng pride. Dapat marunong magpakumbaba para maiwasan ang awayan at madevelop ang closeness ng bawat isa. Dapat ay may "give and take relationship" sa bawat relasyon. Kung sino ang makapag isip ng magpakumbaba dapat gawin nalang para maiwasan ang away at gulo sa buhay. Panatilihin ang magandang relasyon ng bawat isa sa pamamagitan ng pagbigayan.

3. Matutong magpahalaga
   Sa pamamagitan ng pag appreciate ng isang bagay sa kapartner ay napakahalaga para pampalubag loob at pahiwatig na may halaga ang bawat isa. Kahit maliit na bagay ay dapat marunong din magpasalamat. Dito titibay ang samahan kung may pagpapahalaga. Maipakita ang pagpapahalaga sa isa't isa sa pamamagitan ng lahat ng bagay ay dapat pangalagahan at may intindihan.

4. May pagkakaintindi
    Napakahalaga ang pagkakaintindi at pagkakaunawaan ng bawat isa. Ibig sabihin nito kung may kapartner ka na dapat as a partner kung may gagawin kayo ay may transparency at dapat kayong dalawa ang magdesisyon para magkaintindihan ng lahat ng bagay. Ito ay maiwasan ang di pagkakaintindihan kung may magandang samahan at bawal maglihim  sa isa't isa. At sa konting pagkakamali ng partner ay huwag ng palakihin dapat intindihin at gawan ng solusyon para iwas lumala ang away. Ito ay napapadalas ang away kung walng intindihan o magandang coordination ng karelasyon

5. Laging may oras sa karelasyon
    Bigyan natin lagi ang oras ng ating karelasyon. Mahalaga ang oras dahil marami na kayo dapat pag-usapan at bigyang oras din para makapagrelax. Sa oras ng walang trabaho ay laging magkasama. 

Lagi natin tandaan, ang pagpasok ng relasyon ay isang mabigat na obligasyon. Kailangan lagi ang pagpapahalaga, pag-intindi, pagtitiwala. laging may oras at pagpapakumbaba. At lagi nating isaisip na di na tayo nag-iisa, so lahat ng bagay dapat malaman ng kapartner para maiwasan ang lahat at manatili ang magandang samahan. Lahat ng bagay ay may kasama o kasalo ka na sa hirap at ginhawa.


0/Post a Comment/Comments

Previous Post Next Post