Mga Benepisyo ng Pag-aaral Online Hatid ng TESDA

 



Ang mga sumusunod ay benepisyo sa pag-aaral online sa Tesda:

1. Libre ang pag-aaral sa online thru e-tesda. Ito ay pwede kang mag-aral kahit sa bahay lamang. Malaking gastos ang maipon mo dahil makapag-aral ka na walang gastos. Ang kailangan lamang ay smartphone, tablet, laptop or desktop para makapag-online sa pag-aaral. Basta mayroon lang connection sa WIFI. 

2. Maraming kurso na pagpipilian at nabasa ko na halos 68 courses ang pwedeng kunin at pagpilian sa Tesda. Pwedeng bisitahin ang website ng Tesda at mamili ang gustong ienrol. Ito ay maaari ring pagsabay sabaying hanggat sa kaya ng power mong mag-aral. Dahil ito ay pwede sa bahay lamang o kahit saan basta my WIFI connection. Depende sa oras na igugol mo dito.

3. Ito ay onlime lamang at sarili mo ang oras mo sa pag-aaral at pwede lamang kahit saan. Sa workplace mo man o sa labas o sa bahay. Basta ang importante dito ay my connection ka sa internet at may gamitin kang gadgets.

4. May certificate of completion kang matanggap pagkatpos ng completion of courses at assessment. At pwede kang magpaprocess sa Tesda Center para sa mabigyan ka ng NC 2 certificate. Ito ay magagamit mong pag-apply sa trabaho lokal man o abroad.

5. May matutunan ka na panibagong skills at pwedeng gamitin sa pang-araw araw na gawain at pwede ring gamitin sa trabaho at mapadali na panghanap ng trabaho. Ito ay pwedeng gamiting pangkabuhayan din at magpatayo ng sariling negosyo. 

Ano pa ang hanap mo? Kung ako sa iyo bagamat sa libre na online pa. Ito ay libre at komportable ka dahil sa bahay o kahit saan pwede kang makasali sa pag-aaral. At limited din ang gastos nito. Malaking pasasalamat sa napakagandang programa hatid sa atin ng TESDA.

Kung gusto mong iavail ito bisitahin lamang ang website ng Tesda para sa iba pang detalye, www-e-tesda.ph.com. Dito ka pwedeng magregister, ang proseso nito ay gagawa ka lamang ng sarili mong email at makapagregister for verification. Sa online lahat magaganap ang pag-enrol at pag-aaral.

Enrol na habang may oras pa.





1/Post a Comment/Comments

Post a Comment

Previous Post Next Post