Chicken with Coca-cola and Sprite: My Own Version (How to Cook)

Nag-iisip ka ba kung ano iluluto mo na mura at masarap? Sigurado magugustuhan ng mga pamilya at kaibigan mo. Eto ay minsanan ko lang natikman at inalam ko kung paano lutuin sa madaling paraan.


Photo: Pixabay



Mga Sangkap:

1 whole chicken (katamtaman ang laki)
1 can coca cola
1 can sprite / 7 up
2 pcs chicken cubes
Black pepper
Salt

Proseso ng pagluluto:

Linisan ang buong manok ng asin sa loob at labas para matanggal ang lansa at buhusan ng tubig hanggang sa mawala o clear ang tubig. Patuyuin ang manok tpos ihalo sa katawan ng buong manok ang paminta at chicken cubes. Isalang ang manok at ilagay ang isang lata ng coca cola at sprite / 7 up at takpan. Pakuluin sa medium fire at pagkakulo saka mo liitan ng fire or low fire na at iwas bukas ng bukas ng takip. One or two times mo lang buksan para mabasa or maihalo mo din ang syrup sa taas ng manok para hindi tuyo tingnan. Maaring maluto ito ng 2 to 2 ½ hours hanggang magcaramelized ang sabaw.


Happy cooking!

0/Post a Comment/Comments

Previous Post Next Post